Nakatakdang kumatawan sa Pilipinas ang Filipino-American swimming prodigy na si Gian Santos sa paparating na World Aquatics Junior Swimming Championships.
Ang 17-taong-gulang na nagmula sa Southern California ay dumating kamakailan sa Israel para sa kompetisyon.
Si Santos, na ang ina na si Didi ay mula sa Bacolod, at ang ama na si Marlon mula sa Pampanga, ay nasa matinding pagsasanay nitong nakaraang tag-araw.
Nauna nang iniulat na nag-uwi si Santos ng silver medal at tatlong bronze sa South East Asian Age Group Championships sa Malaysia noong nakaraang taon. Kung saan pasok ito sa Top 5 sa walong events.
Nitong nakaraang Hulyo, nagtakda naman siya ng national records sa 200 at 400 Individual Medleys.
Ilang taon pa lang ang nakalilipas, ibinahagi ni Santos na hindi pa siya sigurado kung ipagpapatuloy niya ang swimming bilang isang career matapos itong maharap sa isang health scare.
Samantala, ang Junior World Championships ay magsisimula sa Setyembre 4. Si Santos ay lalahok sa pitong event sa susunod na limang araw.