-- Advertisements --
Pasok na sa Junior World Championship si Filipino-American figure skater Sofia Frank.
Nagtapos ang 16-anyos na Fil-Am skater sa pang-16 sa kabuuang 49 manlalaro sa ISU Junior Grand Prix na ginanap sa Gdnask, Poland.
Nagtala ito ng 92.76 points sa kaniyang free skates at 49.99 sa short program na may kabuuang 142.75.
Noong nakaraang mga buwan ay nagtapos sa pang-22 si Frank sa Junior World Championships.
Gaganapin naman sa buwan ng Pebrero ang Junior World Championship sa Calgary, Alberta, Canada.