-- Advertisements --
Pinapurihan ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.
Kabilang kasi ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.
Gaganapin ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.
Dagdag pa ni Samoura na sa nasabing pagsabak ng mga bagong koponan ay makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili.