-- Advertisements --

Isasagawa sa New Zealand ang natitirang FIBA World Cup Asian qualifier games.

Dahil dito ay makakasama ng Gilas Pilipinas sa ‘bubble’ game ang News Zealand at India na magsisimula mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 4.

Ayon sa FIBA na gaganapin ang laro sa Eventfinda Stadium sa Auckland, New Zealand.

Unang makakalaro ng Gilas ang India sa Hulyo 1 habang sa New Zealand sa Hulyo 3.

Mayroong tatlong panalo at walang talo ang New Zealand, matapos na dalawang beses nilang tinalo ang India at isa ang Pilipinas noong Pebrero habang ang India ay walang panalo na mayroong tatlong talo.

Kuwalipikado na ang Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 bilang host na mayroong isang panalo at isang talo ng talunin ang India pero natalo sa New Zealand.

Kahit na anumang magiging resulta ay pasok na sa ikalawang round ang FIBA World Cup Asian qualifiers ang mga koponan.

Magugunitang na-disqualified ang South Korea na kabilang sa Group A matapos na umatras sila sa pagsali dahil sa takot sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.