-- Advertisements --
DOMINGO FDA
IMAGE | FDA director general Eric Domingo/Screengrab, DOH

MANILA – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na iwasan ang pag-inom ng mga gamot na “foreign-labeled” o nakasulat sa banyagang salita.

Pahayag ito ng ahensya matapos maglabas ng advisory kamakailan laban sa hindi rehistradong bersyon ng Chinese traditional drug na Linhua Qingwen.

“Ang pag-register kailangan English or Filipino ang salita. Ibig sabihin kapag ito ay nakalagay sa salitang banyaga, fake ito or smuggled na hindi natin alam kung paano na-handle,” ani FDA director general Eric Domingo sa panayam ng Bombo Radyo.

Rehistrado sa bansang China ang naturang gamot, na ginagamit ng mga mild COVID-19 cases.

Pero dito sa Pilipinas, rehistrado lang ito bilang gamot ng mga “toxin invasion” sa baga, at mga sintomas nito tulad ng ubo, sipon, muscle pain, at runny rose.

Nitong buwan nang maglabas ng advisory ang FDA laban sa isang bersyon ng Linhua Qingwen, kung saan Chinese characters ang nakasulat sa label nito.

“Please be informed that only the Lianhua Qingwen Jiaonang with English text and the following details was issued with a Certificate of Product Registration (CPR) and approved to be sold/marketed in the Philippines,” ayon sa FDA advisory.

Nilinaw naman ni Domingo na dapat may reseta ng doktor ang paggamit ng Linhua Qingwen drug.

“Kasi may mga sakit na bawal yan, halimbawa may highblood ka, or may mga gamot na iniinom ka. Mayroon siyang hindi pwedeng kasabay (na gamot).”

“Halimbawa may sakit na bawal pala (ng may kasabay na ibang gamot), then magkakaroon ng side effect,” dagdag ng opisyal.