-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na huwag tangkilikin ang ilang produkto ng brand na “Simply Wonders” dahil wala raw permit ang mga ito para ibenta sa Pilipinas.

Batay sa inilabas na advisory ng FDA, pinapayuhan ng ahensya ang mga consumer na huwag bilhin ang mga produkto ng naturang brand, partikular na ang:

  • Simply Wonders Lemon plus with Honey
  • Simply Wonders Choco+ 8-in-1 blend
  • Simply Wonders Purple corn 18-in-1 coffee
  • Simply Wonders Purple corn juice 6-in-1

Nabatid ng FDA ang ulat matapos makumpirma sa kanilang post-marketing surveillance na hindi rehistrado ang apat na produkto ng Simply Wonders.

Bukod dito hindi pa raw nabibigyan ang kompanya ng Certificate of Product Registration para sa naturang mga produkto.

Ayon sa FDA, walang kasiguraduhan na ligtas ang kalidad ng mga produkto dahil hindi dumaan sa proseso ng kanilang evaluation.

Sa ilalim kasi ng FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang pagbebenta, importation at page-export ng ano mang produkto nang hindi dumadaan sa tamang authorization.

“The FDA verified through post-marketing surveillance that the above-mentioned food products are not registered and the Certificate of Product Registration (CPR) have not yet been issued.”