-- Advertisements --

Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko hinggil sa mga claims ng iba’t ibang kompanya na maaring gamitin umano ang mga nasal spray products para maiwasan o treatment sa COVID-19.

Sa isang advisory, sinabi ng state health regulator na ang naturang mga nasal spray products ay pinayagang gamitin sa Pilipinas bilang “medical devices” na intended para gamitin sa maiksing panahon lamang at ginagamit bilang mechanical barriers sa mga particulates.

Iginiit ng FDA ang mga produktong ito ay sprays na bumabalos sa nasal mucosa ng mga substances na mayroong non-specific effect laban sa mga pathogens.

Hindi anila dapat ito gamitin bilang substitutes sa mga gamot at bakuna para maiwasan o magamot ang COVID-19 infection.

Kaugnay nito, hinimok ng FDA ang publiko na maging mas maingat sa paggamit ng mga produkto na mayroong claims laban sa prevention at treatment ng COVID-19.