-- Advertisements --
Patuloy na iniimbestigahan ng FBI ang naganap na pagsabog ng isang sasakyan sa Rainbow Bridge ang border crossing sa pagitan ng US at Canada na ikinasawi ng dalawang katao.
Ayon sa Niagara International Transportation Technology Coalition na tinangka ng sasakyan na tumawid sa US ng ito ay sumabog.
Dahil dito ay kanilang isinara ang mga border bridge ng US at Canada gaya ng Peace Bridge, Lewiston-Queenston Bridge, Whirlpool Bridge, at Rainbow Bridge.
Ang nasabing tulay ay kumukonekta sa Ontario at New York na may daanan sa lungsod ng Niagara Falls, Canada.