-- Advertisements --

Patuloy na gumagawa ng record sa kasaysayan ang kanta ni Tracy Chapman na “Fast Car”.

Ang nasabing kanta kasi ay nagwagi bilang “Song of the Year” sa Country Music Awards ngayong taon.

Hindi naman nakadalo ng personal si Chapman para sa tanggapin ang award na ginanap sa Bridgestone Arena sa Nashville.

Nagpaabot na lamang ito ng mensahe na binasa ng presenter na si Sarah Evans kung saan laman ng kaniyang mensahe ang paghikayat sa lahat na patuloy ang paggawa ng mga kanta.

Labis itong nagpapasalamat dahil sa matapos ang 35 na taon ay nakakuha ang nasabing kanta.

Muling sumikat kasi ang kanta sa ginawang cover ni country star Luke Combs noong Hulyo at naging number 1 sa Country Airplay chart.

Si Chapman rin ang unang Black woman na nangibabaw sa chart mula pa noong 1990.

Ang nasabing kanta rin ay naging numero 1 Country Songwriters chart ng Billboard.

Taong 1989 ng magwagi si Chapman ng best female pop vocal performance ganun din ang record at song of the year nominations ng Grammys.