-- Advertisements --

May posibilidad na magdeklara ng failure of election ang Commission on Election (Comelec) sa halalan ngayong taon.

Kasunod ito ng ilang mga insidente ng karahasan na naitala sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ngunit paglilinaw ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ipapatupad lamang ito ng komisyon sa ilang mga voting center at hindi sa buong lugar.

Ito ay kung sakaling ma-involve na rito ang filling up ng mga balota na posible umanong pakana ng ilang mga kandidato.

Samantala, sinabi naman ni Pangarungan na lahat ng ulat ng mga untoward incident na kanilang matatanggap ay kanilang pagpupulungan sa Comelec en Banc upang mapagdesisyunan kung anu-ano ang mga aksyon na kanilang isasagawa hinggil sa lahat ng election related cases na naitala ngayon.