BOMBO DAGUPAN – Dapat mandatory pa rin ang ang paggamit ng facemask para sa vulnerable group dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Paliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman, kahit optional na ang pagsuuot ng facemask ay kailangan na mandatory pa rin sa lalawigan ng Pangasinan lalo na sa mga senior citizen, mga bata at at mga may karamdaman o mahina ang pangangatawan.
Giit niya na dapat mandatory pa rin ito maging sa pagsakay sa pampubliko at pribadong sasakyan.
Ipinaliwanag ni de Guzman na hindi pa rin naabot ang target na 80 percent na coverage ng vaccination sa mga senior citizen.
Sa kasalukuyan ay nasa 78.75 percent pa o 213,415 ang kabuoang nabakunahan na senior citizen at may hinahanap pang 57,583 na bilang ng mga senior citizen para tuluyang makumpleto ang target na vaccination sa mga senior citizen.
— ADVERTISEMENT —
Bukod pa riyan hindi pa rin naabot ang 50 percent na target na magpa booster shot.
Sa kasalukuyan ay 21.31 percent o 428,343 individual ang fully vaccinated ng booster at ito ay malayo pa ang target na 50 percent.