-- Advertisements --
image 233

Inanunsyo ng Department of Science and Technology ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ngayong araw na nabawi na nito ang kanilang Facebook account.

Ito’y matapos na ma-hack noong holidays ng Holy Week.

Ang Facebook page ay nag-post ng mga larawan ng mga hindi kilalang indibidwal bago kinumpirma ng nasabing departamento na na-hack ang account nito noong Abril 7 alas-12 ng umaga.

Nauna nang sinabi ng konseho ng Department of Science and Technology o DOST na ang kanilang mga serbisyo, impormasyon ng kliyente, at mga sistema ay hindi naapektuhan ng pangha-hack.

Una nang binigyang diin ng ahensya na hindi bababa sa 3,000 “high level” cyberattacks ang naitala sa Pilipinas mula 2020 hanggang 2022.