-- Advertisements --

Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR).

Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa.

Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning activities.

Sa mga rehiyon naman na nasa labas ng NCR kung saan tumataaas din ang COVID-19 cases, maaari aniyang magdesisyon ang mga hospital directors kung sususpendihin din nila ang face-to-face rotation alinsunod sa anunsyo ng APMC o impormasyon mula sa national government, Department of Health(DOH), Inter Agency Task Force o local government units.

Para naman sa clinical clerkship programs, sinabi ng APMC na wala itong partikular na direktiba para sa Commission on Higher Education (CHEd), kaya ang suhestyon nito ay ang mga deans ng mga ospital ang magdedesisyon kung dapat na rin ba nilang suspendihin ang face-to-face rotation.

Nagpaalala naman ang APMC sa lahay na sundin ang Universal Pandemic Precaution (UPP) kaugnay ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng mga kamay, at disinfection.

Inabisuhan na rin nito ang mga indibidwal na maaaring magpabakuna laban sa COVID-19 na magpaturok na bilang dagdag proteksyon mula sa nakamamatay na virus.