Nakapaglagak na ng piyansa na ang negosyante at dating asawa ng aktor na si Philip Salvador na si Cristina Decena nitong Miyerkules sa Paranaque Police Station.

Dinakip si Decena ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Paranaque Police Station dahil sa kasong estafa na isinampa ng isang Gloria del Prado sa Manila Regional Trial Court Branch 27.

Sinabi ni Prado, hinikayat daw siya ni Decena na mag-invest sa isang condominium building sa Makati at isang solar plant project sa San Miguel, Bulacan.

Pinangakuan umano siya ni Decena ng 1.3 percent na monthly interest.

Iginiit ni Prado na bagama’t naibigay ang bahagi ng kita, aabot pa aniya sa P3.5 milyon ang atraso sa kanya ni Decena.