-- Advertisements --

Tinawag na komedyante ni dating Vice President Jejomar Binay si Health Secretary Francisco Duque III matapos sabihin ng kalihim na proactive naman ang mga hakbang ng Department of Health (DOH) pagdating sa mas nakakahawa na Delta variant ng COVID-19.

Sa isang statement, sinabi ni Binay na kung totoo ang mga pinagsasabi ni Duque, dapat ay makakuha ang DOH ng P100 million na kinakailangan para mapalawak ang capabilities ng Genome Center, na siyang tanging pasilidad sa bansa na nakakapagsagawa ng genome sequencing para matukoy ang variant ng COVID-19 na nakuha ng isang indibidwal.

Pero sa kabila ng mga sinasabi ni Duque eh nananatili pa rin naman aniyang “underfunded” ang DOH, kahit pa malaki ang papel na ginagampanan ng kagawaran pagdating sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Noong Hulyo 29, pinuna rin ni Binay ang DOH dahil sa pagsalungat naman sa proposal ng isang independent research group na magpatupad na ng circuit-breaker lockdown dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.