-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos binaril ng mga suspek ang dating bise gobernador ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang naturang biktima na si Rolly Recinto, 80 anyos at residente ng Prk. Inamnama, Brgy Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon kay Bombo correspondent Larry Geronio, nangyari ang insidente bandang ala-1:30 kaninang hapon kung saan sakay ang biktima sa kaniyang L-200 truck mula sa lungsod ng Tacurong.

Pagdating nito sa national highway ng Brgy. Bilumen sa bayan ng Lambayong, dito na siya binaril ng pinaniniwalaang riding-in-tandem suspects.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Nabatid na nagsilbi ito dati bilang alkalde sa bayan ng Lambayong.

Sa ngayon inaalam na ng kapulisan kung ano ang motibo sa naturang pamamaril.