-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si dating US first lady Hillary Clinton.
Sa kaniyang social media account ay kinumpirma ng dating secretary of state at two-time presidential candidate na ito ay dinapuan ng nasabing virus.
Nagpasalamat na rin ito dahil bakunado na siya laban sa COVID-19 kaya hindi siya gaanong nakaranas ng matinding sintomas.
Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.
Hindi naman dinapuan o nakaranas ng anumang sintomas ang asawa nitong si dating US President Bill Clinton.
Pinayuhan niya ang mga mamamayan magpaturok na lamang ng bakuna laban sa COVID-19 para hindi sila madapuan ng virus.