-- Advertisements --

GENEVA – Pinangalanan na ang mga miyembro ng independent panel na susuri sa COVID-19 response na ginagawa ng World Health Organization (WHO) at iba’t-ibang bansa.

Uupong co-chairpersons ng panel sina dating New Zealand Prime Minister Helen Clark, at dating Liberian President Ellen Johnson Sirleaf. Kabilang din sa mage-examine sina dating Mexican President Ernesto Zedillo, at ex-Britain foreign secretary David Miliband.

“We intend to learn all that we can about (the pandemic’s) early emergence, global spread, health, economic and social impacts, and how it has been controlled and mitigated,” ani Clark sa isang statement.

Bukod sa nabanggit na mga dating heads of state, kasali rin sa panel si dating Colombian finance minister Mauricio Cardenas, Chinese professor Zhong Nanshan, former president ng Medecins Sans Frontieres (Doctors Without Borders) Joanne Liu ng Canada; pati sina Mark Dybul and Michel Kazatchkine, na mga dating heads ng Global Fund to Fight AIDS, TB and Malaria.

Una nang sinabi ni WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreysus na nakatakdang maglabas ng interim report ang panel sa magaganap na annual meeting ng health ministers sa November. Sa Mayo naman ng susunod na taon ay maglalabas sila ng “substantive report.”

Magpupulong kada anim na linggo ang panel simula ngayong buwan hanggang April 2020. Ang findings ng kanilang pagsusuri ay ipre-presenta sa WHO executive board sa Oktubre.

Paliwanag ni Dr. Ghebreysus, naka-angkla sa resolusyon napagkasunduan ng 194 WHO member countries noong Mayo ang evaluation sa pandaigdigang response sa pandemic.(Reuters)