-- Advertisements --

Nakabalik na sa kaniyang bansa si dating Sri Lankan president Gotabaya Rajapaksa.

Ito ay matapos ang paglayas nito sa bansa noong Hulyo dahil sa kabilaang kilos protesta.

Nanatili pansamantala ito sa Thailand sa gamit ang temporary visa.

Sinalubong ito ng ilang mga ministers ng Sri Lanka pagdating nito sa paliparan.

Sinisi kasi ng mga mamamayan si Rajapaksa dahil sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Nagsimula ang kilos protesta noong Abril matapos ang tuluyang pagtaas sa presyo ng mga pagkain sa langis sa nasabing bansa.

Itinalaga naman si Ranil Wickremesinghe bilang bagong pangulo ng nasabing bansa.

Tiniyak naman ng defense ministry ng Sri Lanka na kanilang bibigyan ng security ang dating pangulo para mailayo ito sa mga protesters.