Tumanggi si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng grado ang Duterte administration.
Pero sinab ni Alvarez na dismayado siya kay Pangulong Rodrigo Duterte, kahit pa sinuportahan niya ito nang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Partikular na ikinadidismaya ni Alavarez ang kung paano hawakan ng Duterte administration ang COVID-19 pandemic.
Ikinumpara pa ng dating lider ng Kamara ang Pilipinas sa Vietnam na hindi hamak ay mas maganda aniya ang handling sa pandemya.
Magugunitang nagsilbi bilang Speaker ng Kamara si Alvarez sa first at second regular session ng 17th Congress mula 2016 hanggang 2018.
Naalis siya sa posisyon sa nangyaring coup d’etat ng mga miyembro ng Kamara sa araw mismo ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2018.
Pinalitan siya ni dating Pangulo at dating Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Noong 2019, humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte kay Alvarez ilang buwan makalipas na maalis sa puwesto bilang lider ng Kamara.