-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Mexico si dating soccer player Omar Bravo dahil sa umanoy child sexual abuse.

Ayon sa Jalisco state prosecutor na makailang beses umano inabuso ng 45-anyos na si Bravo ang isang dalagita noong mga nakaraang buwan.

Mahinahon naman na sumama sa mga umarestong kapulisan si Bravo noong ito ay nasa municipality of Zapopan.

Sumikat si Bravo ng maging forward player ng Chivas de Guadalajara kung saan siya ang naging all-time goal scorer.

Naglaro din siya sa national team ng Mexico noong 2004 sa Athens Olympics at noong 2006 World Cup sa Germany.