-- Advertisements --

Natapos at nakamit ni dating Senator Manny “Pacman” Pacquiao noong sabado ang kanyang master’s degree mula sa Philippine Christian University (PCU).

Natapos ni Pacquiao ang Master in Management, Major in Public Administration.

Kasama niyang dumalo ang kanyang asawa na si Jinkee sa 79th commencement exercise ng PCU na ginanagp sa Philippine International Convention Center (PICC).

Matatandaan na noong December 2019 nagtapos si Pacquiao sa Unibersidad ng Makati na may degree sa Bachelor of Arts in Political Science, Major in Local Government Administration.