-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest na tumakbo bilang senador sa 2025 midterm elections si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na ito ay maaaring mangyari kapag itinuloy ng International Criminal Court ang kanilang imbestigasyon.

Ang nasabing usapin din ay pinalutang ng mga kapartido nila sa PDP-Laban pero hindi pa nakapagdesisyon ang dating pangulo.

Paglilinaw pa ng senador na hindi muli tatakbo ang dating pangulo para makakuha ng proteksyon sa anumang resulta ng imbestigayon ng ICC.