-- Advertisements --
Nanumpa na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress.
Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang oath taking o pagpapanumpa kay Arroyo sa sesyon ngayong Miyerkules.
Kasama ni Rep. Arroyo ang kanyang pamilya ang anak nito na si dating Rep. Mikey Arroyo.
Matapos naman ang panunumpa, kanya-kanyang bati at pa-litrato ang mga mambabatas kay CGMA.
Nitong Lunes, lamang dumalo ng face to face si CGMA matapos ma-isolate ng dalawang Linggo dahil sa nagpositibo ito sa Covid-19.