-- Advertisements --
Nagpaliwanag si dating Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Nicolas Torre III na ang pagdalo niya sa event ng Liberal Party (LP).
Sinabi nito na ang inimbitahan lamang siya ng kaniyang kaibigan mula sa Masbate na kaniyang tinulungan noong nagdaan bagyo.
Paglilinaw nito na bilang aktibo pa rin na pulis ay hindi pa ito maaring makisali sa partisan political groups.
Magugunitang marami ang nagtaka sa pagdalo ni Torre sa “Kung Walang Korap, Walang Mahirap” na event ng Liberal Party nitong Biyernes.
Dagdag pa ng dating PNP chief na ang laban sa kurapsyon ay hindi lamang eklusibo para sa political group at ito ay laban ng lahat ng Filipino.
















