-- Advertisements --
Patay ang dating NBA player na si Adrein Payne matapos na pagbabarilin sa Orlando.
Ayon sa Orange County Sheriff’s Office na agad nilang nirespondehan ang tawag sa kanila at ng tignan nila ang lugar ay nadatnan nila ang biktima na nakahandusay at wala ng buhay.
Naabutan rin nila ang suspek na si Lawrence Dority kaya agad nila itong inaresto.
Si Payne ay naglaro ng apat na season bilang center ng Michigan State Spartans kung saan nagwagi ng dalawang kampeonato ang koponan sa Big Ten Conference Championship.
Nakuha siya sa unang round ng 2014 NBA draft ng Atlanta Hawks.
Naglaro ito ng apat na season sa NBA sa mga koponan gaya ng Minnesota Timberwolves at Orlando Magic.