Humarap na sa korte ang dating business manager ng yumaong comic book legend na si Stan Lee.

Si Keya Morgan, 43-anyos, ay inaresto ng mga kapulisan nang subukan niyang tumakas mula sa kasong fiduciary elder abuse na kanyang kinakaharap sa California.

Ito ay matapos alertuhan ng Los Angeles police ang mga otoridad sa Phoenix suburb sa Scottdale na ginagamit umano ni Morgan ang kanyang cellphone sa hilagang bahagi ng nasabing lugar.

Hindi pa malinaw kung pababalikin si Morgan sa Los Angeles kung saan haharap ito sa mas marami pang kaso tulad ng pagnanakaw, embezzlement, forge, fraud against an elder adult at false imprisonment of an elder adult.

Napag-alaman ng Los Angeles prosecutors na nilustay umano ni Morgan ang kayamanan ng Lee kahit wala raw itong authorization mula sa comic legend.

Ayon pa sa mga ito, ninakaw ni Morgan ang halos $262,000 o halos limang bilyong piso.

Noong nakaraang taon nang i-request ng anak ni Stan Lee ang restraining order laban kay Morgan matapos niyang pagbawalan ang sariling pamilya ni Lee na makita ito at sinusubukan din daw ni Morgan na magkaroon ng access sa lahat ng negosyo ng nasabing comic book legend.