-- Advertisements --

Inilunsad ni dating Israeli Army Chief of Staff Gadi Eisenkot ang kanyang kampanya para sa nalalapit na halalan upang palitan sa puwesto si Benjamin Netanyahu bilang Punong Ministro.

Sa kanyang unang campaign event, sinabi ni Eisenkot na panahon na upang magsimula ang Israel ng panibagong yugto at tapusin ang pamumuno ng tinawag niyang “October 7 government,” bilang pagtukoy sa administrasyon ni Netanyahu noong mangyari ang malagim na pag-atake ng Hamas sa Israel noong 2023.

Si Eisenkot, na kilalang kritiko ng mga polisiya ni Netanyahu lalo na sa digmaan sa Gaza, ay nagtatag ng partidong Yashar noong Setyembre 2023.

Inaasahang makakakuha ang Yashar ng 22 puwesto sa 120-seat parliament, kasunod ng 24 na puwestong inaasahang makukuha ng partidong Likud ni Netanyahu.

Nanawagan din si Eisenkot ng isang tapat at may malinaw na direksyong pamumuno, na aniya’y magdadala sa Israel tungo sa mas matatag at ligtas na kinabukasan.