-- Advertisements --

Muling ibinalik na sa Philippine National Police General Hospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ito ay dahil sa naghain siya ng mosyon para sa kaniyang hospital arrest.

Pasado ala-1 ng hapon nitong Martes, Hunyo 2 ay inilabas ang dating kalihim para dumalo kaniyang arraignment ng kasong graft at return of warrant sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Subalit ipinagpaliban ang arraignment nina Bonoan at Senator Jinggoy Estrada sa Hunyo 4 dahil sa mayroong nakabinbin na mosyon dahil sa P537- milyon na plunder at graft charges na may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects.

Kinumpirma rin ng Fifth Division ng Sandiganbayan na naghain mosyon para sa hospital arrest.

Natanggap ng anti-graft court ang mosyon ni Bonoan para sa hospital arrest kulang-kulang 24 oras matapos na ito ay dinala sa PNP General Hospital dahil sa pagtaas ng kaniyang blood pressure.