-- Advertisements --
Ibinunyag ng dating child actor na si Buboy Cariño na muntik na nilang ipalaglag ang dinadalang bata ng nobyang volleyball player na si EJ Laure.
Sinabi nito ng 16-anyos pa lamang siya noon habang 21-anyos ang nobya.
Dagdag pa nito na yung time na yun aniya ay nagiging matayog na ang kaniyang career at medyo nako-confuse pa.
Napagtanto niya na ito ay malaking kasalanan kaya itinuloy na lamang nilang palakihin ang bata.
Unang ipinakilala sa publiko ni Carino si Scarlet noong 2020 ng magdiwang ito ng kaniyang ika-18 taon.