-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling sa pagamutan ni Brazilian soccer great na si Pele.

Sa kaniyang social media account nagpost ito ng update kung saan ito ay nananatiling malakas at maraming pag-asa.

Pinawi nito ang pangamba ng mga fans at sinabing siya ay nagpapalakas habang sumasailalim sa gamutan.

May malaki itong tiwala aniya sa Maykapal at naniniwala siyang hindi siya nito pababayaan.

Ang 82-anyos na dating footballer ay isa sa pinakamagaling footballer sa kasaysayan.

Dinala ito sa pagamutan sa Sao Paulo para magpa-re-evaluate ng kaniyang paggamot sa cancer.

Noong Setyembre 2021 ay tinanggal ang tumor mula sa kaniyang colon.