-- Advertisements --
Pumanaw na si dating ambassador at Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Roberto Romulo sa edad 83.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamangkin na si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Si Romulo ay anak ng namayapang statesmans at United Nations General Assembly President Carlos P. Romulo.
Taong 1989 ng pumasok ito sa gobyerno matapos italagang ambassador sa Belgium, Luxembourg at Commission of the European Communities.
Sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay naging DFA Secretary ito.
Naging chairman siya ng iba’t-ibang organisasyon kabilang ang AIG Philippines Insurance, PETNET, Inc. MediLinkk Network Inc. at Nationwide Development Corporation (NADECOR).