-- Advertisements --

abante

Bumisita sa Kamara ngayong araw ang ilang mga miyembro ng European Union o EU Parliament Subcommittee on Human Rights.

Nagkaroon ng magkahiwalay na pulong ang EU solons sa House Committee on Human Rights, at sa mga kongresista ng Makabayan Bloc.

Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, na siyang pinuno ng Human Rights Panel ng Kamara, kabilang sa mga natalakay ay ang trade agreement ng Pilipinas sa EU.

Napag-usapan din ang sinasabing “human rights abuses.”

Punto ni Abante, hindi dapat dinadamay ang trade agreement ng Pilipinas sa imbestigasyon sa mga alegasyon ng pag-abuso sa karapatang-pantao.

Sa panig naman ng Makabayan Bloc, kanilang sinabi na natalakay nila sa dayalog sa mga taga-EU ang isyu ng giyera kontra droga partikular ng Duterte administration, at ulat ng pag-atake sa human rights defenders at kahit sila mismo sa Makabayan.

Nagsumite rin sila ng compilation ng mga House Resolution na nagpapaimbestiga sa mga human rights violations.

Hindi rin nagpapigil si Abante patungkol naman sa banta ng EU na alisin ang Pilipinas sa mga nakakabenepisyo sa Generalised System of Preferences o GSP dahil sa human rights abuses.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat dinadamay ang trade agreement ng Pilipinas sa usapin ng karapatang pantao.