-- Advertisements --
Hinikayat ng European Union (EU) ang Houthis rebels mula sa Yemen na tigilan na ang anumang pang-aatake.
Sinabi ni EU foreign affairs spokesman Anouar El Anouni na kanilang kinokondina ang ginagawang pag-atake ng Houthis military sa Yemen at maging ang pag-atake sa Saudi Arabia.
Sa nasabing pag-atake ay nadamay ang holy city ng Mecca sa Saudi Arabia.
Tiniyak ng EU na kanilang suportado ang Saudi Arabia.
Magugunitang kinondina na rin ng Kuwait at Bahrain ang ginawang pag-atake ng Houthi rebels na tinarget ang Saudi Arabia.















