-- Advertisements --
Inirekomenda ng European Medicines Agency (EMA) ang COVID-19 booster na labanan ang Omicron BA.4 at BA. 5 variants.
Ang bivalent vaccines ay gawa ng mga kumpanyang Pfizer at BioNTech na kayang gamutin ang dalawang subvarianat ganun din ang original strain ng virus mula sa China na nagsmula noong Disyembre 2019.
Ayon sa EMA na habang ang mga COVID-19 vaccines ay nagbibigay ng tamang protection laban sa pagkaka-ospital at kamatayan ay nababawasan ang epekto nito sa mga nag-eevolve na mga virus.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay inindorso na ng EMA ang Pfizer-BioNTech ganun din ang Moderna ng mga updated na mga bakuna.