Naging matindi ang ginawang paghahanda ni Filipino boxer Eumir Marcial para sa nalalapit nitong laban kay Argentinian Ricardo Ruben Villalba.
Gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa araw ng Linggo sa Las Vegas.
Sinabi ni Marcial na lahat ng mga sparring na kailangan at maging ang mga conditioning coaches at ang buong team ay naging puspusan ang kanilang training.
Nagkaroon din aniya ng kakaibang level ang training niya ng ilang araw sa Las Vegas dahil sa nakaharap niya sa sparring sessions ang mga magagaling na boksingero mula sa France at Kazakhstan.
Ang 2021 Olympic bronze medalist boxer ay mayroong record na tatlong panalo at wala pang talo habang si Villalba ay mayroong 20 panalo, pitong talo at isang draw.
Ang kanilang six round na middleweight fight ay undercard ng laban ni Rey Vargas kay O’Shaquire Foster.