-- Advertisements --
Gumagawa na ng paraan ang European Union (EU) para magkaroon ng centralized na pagbili ng mga bakuna laban sa monkeypox,.
Ang nasabing hakbang ay isinagawa ng Health Emergency and Preparedness Authority (HERA) matapos na umabot na sa mahigit 200 ang naitalang kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Nangunguna ang Britanya sa may pinakamataas na bilang na mayroong 71 na sinundan ng Spain na may 51 at Portugal na mayroong 37.
Kinumpirma naman ni EU spokesman for health issues, Stefan De Keersmaecker, na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga miyembreo para makabili ng mga bakuna.