-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan na ng drug watchdog ng European Union ang COVID-19 vaccine ng kumpanyang Moderna para sa mga batang edad anim pababa.

Sinabi Marco Cavaleri ang namumuno sa anti-infectives and vaccines sa European Medicines Agency (EMA), kanilang sinimulan ang evaluation ng mga application ng Moderna para palawigin ang paggamit ng Spikevax sa mga batang anim na buwan hanggang limang taon.

Ito kasi ang unang application para sa mga bata na nasa ganung edad.

Magugunitang noong Pebrero ay inirekomenda na ng human medicines committee ng EMA ang paggawad ng extensions ng Spikevax vaccine.