-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapagaling na ang isang menor de edad na pinagsasaksak umano ng kapwa estudyante sa loob ng paaralan sa Cagayan de Oro City.
Batay sa ulat, ginulpi ng 17-anyos na biktima ang kapatid ng 15-anyos na salarin kaya ito gumanti.
Ayon kay Bulua Police Station commander police Capt. Jake Sto. Domingo, tatlong tama ng saksak ang tinamo ng biktima mula sa ice pick na ginamit ng menor de edad.
Naniniwala ang pulisya may ugnayan sa mga sinasabing gang sa PN Roa National High School ang puno’t dulo ng away.
Kung maaalala, sa parehong paaralan din naiulat ang pananaksak ng isang estudyante sa kanyang sariling guro.