-- Advertisements --
Nakaligtas ang 20 katao na lulan ng pampasaherong eroplano matapos na ito ay masunog sa Houston.
Nangyari ang insidente ng papalipad na sana ang eroplano sa Houston Executive Airport.
Mabilis at ligtas na nakalabas ng eroplano ang mga crew at pasahero bago tuluyang dumating ang mga bumbero.
Mabilis na naapula ng mga bumbero ang pagkakasunog sa McDonnell Douglas MD-87.
Nagtamo lamang ng maliit na sugat habang ang iba ay nakaranas ng hirap sa paghinga at sakit sa likod.