-- Advertisements --

Naging emosyunal ang Fil-American runner na si Eric Cray matapos madisqulify sa 100 meter dash dahil sa false start.

Una nang binigyan ng warning si Cray sa unang attempt dahil inunahan niya ang starters gun.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling inunahan ng 31-anyos na dasher ang starters gun kaya tuluyan itong tinanggal sa laro.

Samantala, sa second heat ay pasok naman ang Pinoy sprinter na si Michael Carlo Grafilo del Prado na pangatlo sa naturang heat.

Nanguna rito si Dinh San Tran ng Vietnam at pangalawa naman si Lumanul Hakim Khairul Akmal.

Mamayang hapon ay sasalang ang mga atletang nanalo sa time trial sa final round.