-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiwala ang Mindanaoan lawmakers na magkaroon ng dagdag kung hindi man makuha ang patas na distribution ang rehiyon ng Mindanao para sa proposed 2025 national budget.

Kaugnay ito sa paghahanda na naman ng House of Representatives upang dinggin ang ipapanukala na pambansang pondo na ilalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan nakapaloob ang national line agencies para sa susunod na taon.

Sinabi sa Bombo Radyo ni House committee on Mindanao Affairs chairman at Misamis Oriental 2nd District Rep. Bambi Emano na aaralin ng Mindanoan legislators ang mga programa at mga malakihang proyekto upang hindi laging mananatili na ‘promise land’ ang isla.

Ginawa ni Emano ang pahayag kaugnay sa paninindigan ng halos 60 kongresista na pinirmahan na manifesto upang mananatili ang Mindanao na bahagi ng national government at hindi hihiwalay.

Maggunitang sa 2024 General Appropriations Act (GAA),nasa 16 porsyento lang mula sa higit P5 trillion national budget ang napunta sa Mindanao kumpara Luzon at Visayas regions.