-- Advertisements --

Malaki ang magiging pananagutan ng local government unit (LGU) officials na mabibigong ma-monitor ang mga community pantry na may mga paglabag sa ordinansa at iba health protocols.

Ito ang babala ni Interior Sec. Eduardo Ano, sa harap ng nalalapit na paglabas nila ng patakaran ukol sa mga ginagawang food distribution at iba pang kahalintulad na aktibidad.

Maliban kasi sa community pantries, free stores, may naglitawan na ring pwedeng kumuha o mag-iwan ng barya para sa pamasahe, may iba namang gamit ang ipinamimigay sa mga nangangailangan.

Kabilang sa mahigpit na pagbabawalan ang paglalagay ng mga pangalan, larawan o signages ng mga politiko.

Bagama’t malayang makapagbigay sa community pantry ang sinumang interesado, bawal naman ang pamumudbod ng sigarilyo, alak at iba pang ipinagbabawal na pagkain at bagay.

Inaasahang maisasapinal ang protocol sa mga susunod na araw.