-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Department of Education (DepEd) hanggang sa Setyembre 30 ang enrolment period para sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay DepEd Undersecretary Revsee Escobedo, may inilabas na silang memorandum patungkol dito kasunod ng pulong ng executive committee ng kagawaran.
Umaasa ang DepEd na sa buwang ito ay mas mahihigitan ang enrolment figures sa School Year 2020-2021.
Nabatid na hanggang noong Setyembre 13, aabot na sa 24.6 million ang bilang ng mga enrolles, na bahagyang mas mababa kumpara sa 26.2 million sa nakalipas na school year.