-- Advertisements --

Tinalo ng England ang Denmark 1-0 sa nagpapatuloy na FIFA Women’s World Cup.

Dahil sa panalo ay pasok na as last 16 ang European champions.

Tanging si Lauren James ang nakapagtala ng goal sa natitirang anim na minuto ng first half.

Umabot sa mahigit 40,000 football fans ang nanood sa laro na ginanap sa Sydney Australia.

Naging malaking hamon sa England ang laro dahil sa kawalan ng kanilang pangunahing manlalaro na sina Leah Williamson at Euro 2022 Golden Boot winner Beth Mead dahil sa injury.