LAOAG CITY – Plano nga pamilya ng isang empleado ng LGU-Vintar na isailalim sa otopsiya ang bang bangkay nito.
Ito ay matapos makitang wala ng buhay sa gilid ng dagat sa bahagi ng Barangay 7, Estancia, Pasuquin ang biktima na nakilalang si Cyryne Diza y Balaan, 24-anyos, dalaga, at residente ng Barangay 22, Manarang, Vintar.
Sinabi ni Police Lt. Floro Cosning Jr., ti Deputy Chief of police ng Pasuquin ti biktima na base sa kanilang imbestigasyon, mag0isa ang biktima na nagtungo sa dagat gamit ang kanyang motorsiklo at nakita itong nakaupo lamang sa isang kubo hapon ng Agosto 11.
Samantala, pagsapit ng umaga ang nakita na lamang ng isang residente sa nasabing barangay na si June Retamal ang bangkay ng biktima na nasa pampang.
Kaugnay nito, ipinaalam ng nobyo ng biktima na si John Daren Dalere ta ttalong araw bago ang insidente ay nagrereklamo ang kanyang nobya dahil hindi ito makatulog sa gabi at nagkataon na nagkasakit pa ito.
Dagdag niya na wala itong maisip na ibang dahlin ang pagkamatay ng kanyang nobya dahil wala ring problema sa kanilang relasyon.
Sa kabilang dako, ipinaalam naman ng kambal ngbiktima na si Cyrelle Diza na isang araw bago matagpuan ang kanyang kambal ay nagpaalam na hindi ito papasok sa trabaho dahil may iniindang sakit.
Aniya, hindi nakaugalian ng kanyang kapatid na magsabi ng mga problema.
Ayon kay Cyrelle, tila may mental problem ang kambal niya dahil may pagkakataon na nawala ito at nakarating sa kabundukan noong nasa sekondarya pa lamang ang mga ito.
Dagdag niya na mahilig sa sa dagat ang kanyang kapatid a posibleng nagpahangin na mag-isa sa Pasuquin.