CAUAYAN CITY- Nakatakdang magkaroon ng emergency voting sa parliamentary ang mga kasapi ng National Party, Conservative Liberal Party, Democrats Party at Labor Party upang pag-usapan kung sino ang kapalit ng nagbitiw sa puwesto na si Prime Minister Boris Johnson.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Girlie Manalo Gonito, isang Human Rights Lawyer sa London at Founder ng OFW UK-International Friendship Association na bagamat nagbitiw na si Johnson ay kinakailangan niya manatili sa puwesto hanggang buwan ng Oktobre para sa pagkakaroon ng handover sa papalit sa kanya.
Sinabi ni Atty. Gonito na napilitang magbitiw sa puwesto si Johnson dahil sa sunod-sunod na pagbibitiw sa puwesto ng kanilang mga Ministers tulad ng Education, Health, Foreign at marami pang iba
Magugunitang sunod sunod ang pagbibitiw sa puwesto ng mga opisyal dahil sa kinasangkutang isyu ni Minister of Education Chris Pincher na sinasabing nagtungo sa gay bar at isang Gay ang kanyang biniro-biro at hinawak-hawakan ang kamay at katawan dahil sa kalasingan ng opisyal.
Ito ay bukod pa sa isang babae na hinawakan din nito sa katawan.