-- Advertisements --

May napili ng bagong chief executive officer ng Twitter ang may-ari na si Elon Musk.

Ito ay sa katauhan ni Linda Yaccarino ang dating advertising chief sa NBCUniversal.

Ito ay kinumpirma rin ng NBC Universal matapos ang biglaang pag-alis ni Yaccarino sa kumpanya sa loob ng pagtatrabaho doon ng 12 taon.

Una ng sinabi ni Musk na nakahanap nito ng bagong amo para sa Twitter pero hindi pa nito binabanggit ang pangalan.

Magugunitang noong nakaraang taon ay binili ni Musk ang Twitter sa halagang $44 bilyon.