-- Advertisements --

Nagkampeon si Elena Rybakina sa WTA Finals sa Riyadh.

Ito ay matapos na talunin niya si world No. 1 Aryna Sabalenka sa score na 6-3, 7-6 (7/0).

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking titulo na kaniyang nakamit mula noong Wimbledon 2022.

Dominado ng world number 6 ang laro sa unang set subalit nagkumahog naman siya sa ikalawang set ng habulin ni Sabalenka ang laban.

Sinabi ni Rybakin na hindi niya akalain na mananalo ito dahil sa may iniinda siyang injury sa kaniyang balikat.