-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakaligtas ang isang Election Officer at sugatan ang kanyang kasama sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasugatan na si Sadam Lingao habang nakaligtas si Norie Jean Hangkal,Election Officer ng Datu Salibo Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na lulan ng kotse ang mga biktima ngunit pagsapit nila sa Barangay Sambolawan sa bayuan ng Datu Salibo ay pinaputukan sila ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na sakay ng Mini Van kulay puti na nakaharang sa kalsada.

Kahit sugatan ang driver na si Sadam Lingao ay nagawa pa nitong magmaneho patungo sa ligtas na lugar.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga sundalo at mga pulis.

Ang sugatang biktima ay agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Salibo PNP sa pananambang sa mga biktima.